Saturday, March 14, 2015

Ang Kalayaan Ko

Gagamitin ko ang kalayaan ko sa pamamagitan ng pagtulong sa tao. Ito ay gagamtin ko sa pamamagitan ng pagbibigay na tent sa mga walang bahay. Ang gagawin ko ay papasayahin ko ang mga tao sa bayan. Gagawin ko sa mga batang kalye ay dadalhin ko sila sa bahay ampunan at bibigyan ko sila ng pagkain. Gagamitin ko ang kalayaan ko sa pamamagitan ng pagbibigay ng respeto sa bayan.

Saturday, February 28, 2015

Karanasan Ko Sa Batas Militar

           Ang Batas Militar ay mahirap gawin. Nalungkot ako kasi hindi makakalaro at salita. Pag recess at hapunan kailnagan sampung minuto para kumain. Mahirap kumain nang mabilis. sa Batas Militar bawal magilaw, aircon at electrifan kaya ang init at medyo madilim. Pag lumabas kami, isang paa lang dapat, kaya sumasakit ang paa ko.

Monday, February 16, 2015

Sa GK Enchanted Farm

Sa GK Enchanted Farm

      Ang ginawa namin sa GK Enchanted Farm ay gumawa ng peanut butter. Gumawa din kami ng Peanut Butter sorbetes. May iba't-ibang klase ng kawayan: may dwarf bamboo at iba pa. Ang mga baboy sa GK Enchanted Farm ay medyo mabaho. Bumili kami ng mga laruan at ang binili ko ay si mais ganda.

Saturday, February 14, 2015

Ang Lakbay sa Manila

         Ang una naming pinuntahan ay Rizal Park munumento ni Jose Rizal at Lapu Lapu. Ang pangalawa naming pinuntahan ay sa San Agustin. itong simbahan ay luma na pero mukha itong bago. Ang sunod na pinuntahan namin ay sa Fort Santiago. Dito makikita ang mga gamit ni Jose Rizal. Ang pangapat na pinuntahan namin ay sa MMDA Safety Park. Dito tayo matututo maging ligtas sa daanan. Ang panghuli naming pinuntahan ay sa Manila Zoo. Dito makakakita ng maraming hayop. 






Retrato mula kay Carlo Almeda (Teacher A)

Saturday, January 24, 2015

Ang Mahiwagang Mundo

Isang araw, mayroon akong nakitang mundo na espesyal. Ang mga naninirahan dito ay ang mga prinsesa at prinsipe. Ito ay mahiwaga dahil maraming magandang lugar na makikita dito. Mayroon mahiwagang lawa na makikita dito na matatagpuan dito. Ang mundong ito ay maraming napapasayang mga tao dito ito ay sobrang ganda. 

Thursday, January 15, 2015

Ako, si Leann

    Ako si Leann Diendo. Ako ay pitong taon na gulang. Ako ay mayroon dalawang kapatid. Ako ay mahilig manood ng telebisyon. Ang paborito kong pagkain ay sinigang na hipon. Ang paborito kong laruan ay Lalaloopsy.

    Ang paborito kong bakasyon ay noong nagpunta kami sa Palawan. Ako ay lumangoy sa karagatan ng El Nido. Ako ay nagkayak kasama ang aking mga pinsan. Kami ay nagzipline sa Ugong Rock. Kami ay nanood ng alitaptap sa Iwahig.