Saturday, February 28, 2015

Karanasan Ko Sa Batas Militar

           Ang Batas Militar ay mahirap gawin. Nalungkot ako kasi hindi makakalaro at salita. Pag recess at hapunan kailnagan sampung minuto para kumain. Mahirap kumain nang mabilis. sa Batas Militar bawal magilaw, aircon at electrifan kaya ang init at medyo madilim. Pag lumabas kami, isang paa lang dapat, kaya sumasakit ang paa ko.

Monday, February 16, 2015

Sa GK Enchanted Farm

Sa GK Enchanted Farm

      Ang ginawa namin sa GK Enchanted Farm ay gumawa ng peanut butter. Gumawa din kami ng Peanut Butter sorbetes. May iba't-ibang klase ng kawayan: may dwarf bamboo at iba pa. Ang mga baboy sa GK Enchanted Farm ay medyo mabaho. Bumili kami ng mga laruan at ang binili ko ay si mais ganda.

Saturday, February 14, 2015

Ang Lakbay sa Manila

         Ang una naming pinuntahan ay Rizal Park munumento ni Jose Rizal at Lapu Lapu. Ang pangalawa naming pinuntahan ay sa San Agustin. itong simbahan ay luma na pero mukha itong bago. Ang sunod na pinuntahan namin ay sa Fort Santiago. Dito makikita ang mga gamit ni Jose Rizal. Ang pangapat na pinuntahan namin ay sa MMDA Safety Park. Dito tayo matututo maging ligtas sa daanan. Ang panghuli naming pinuntahan ay sa Manila Zoo. Dito makakakita ng maraming hayop. 






Retrato mula kay Carlo Almeda (Teacher A)